HomeHome  PortalPortal  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 THE BEGINNING

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
hithitman
Owner
Owner
avatar

Posts : 869
Join date : 2009-07-19
Location : sariling mundo

PostSubject: THE BEGINNING   Wed Jul 22, 2009 5:56 pm

The Beginning
Posted by Chris Daniels

My mom sent me to a swim camp at Stanford University when I was about 11 years old. I really did not care to be at that camp, because I was not all that interested in swimming at the time. However, attending this camp would forever change my own life. As I was in the cafeteria eating lunch, one of the camp-goers that I had befriended pulled out a miniature skateboard toy and was pretending to do tricks. I thought it looked pretty cool, and asked if he had anymore, which he did and gave me one for $3. From that point on, I was hooked.

During middle-school it seemed like everyone fingerboarded. During lunch, my friends and I would try to replicate tricks from the latest 411vm we watched. Fingerboarding for me has always been much more fun as a social activity than an individual activity. Throughout my time fingerboarding I have always had friends around me who fingerboard as well. Some of them started fingerboarding on their own, others started because I got them into it.

I'd like to hear your own relationship with fingerboarding. Why did you start fingerboarding? How did you get introduced to the hobby?

from fbweekly
Back to top Go down
hithitman
Owner
Owner
avatar

Posts : 869
Join date : 2009-07-19
Location : sariling mundo

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Wed Jul 22, 2009 6:23 pm

matagal na ko nakakakita ng techdeck sa mga toystores, pero ndi ko pinapansin, akala ko mamahaling keychain lang. 10 months ago nag fieldtrip ang school namin sa MOA at bumili ung tropa ko, pinakita nya sakin kung pano laruin nung nasa bus kami pauwi, kaya ayun, ndi ko na sinoli ng dalawang linggo hanggat ndi ako nakabili ng sarili ko, idinamay ko narin lahat ng kaklase ko, bumili ako ng 5 sets of 4's at pinagbenta sa kanila.

pinapaltan namin ng iba't ibang klase ng liha, depende kung gano kadami at gano katitigas ang mga kalyo sa daliri, tapos ndi na ko natuwa sa techdeck, ndi ko talaga mapatalon, 2 months ko na ginagamit. nagsimula ako sa tricktips sa youtube at napansin ko na hindi naman techdeck ung ginagamit ng magagaling, aba'y kahoy nga! niresearch ko sa lahat ng sulok ng internet ang mga kahoy na decks na yan at ayun, sa ebay ko sila nacorner, paypal lang pala ang kailangan. sinubukan ko lahat ng sikat na decks, tapes at gulong, umabot ang gastos ko sa 50k+++ meron ako dati 16pcs ibat ibang shape ng berlinwood, 4 na yellowood, 2 lowpros, 1finga, at marami pang iba, sa gulong naman, sinubukan ko na ang flatface, nollies, at substance, sinubukan ko narin ang maraming klase ng tuning...

sa ngayon adik na adik parin ako sa fingerboards at gumagawa na ko ng sarili kong decks, dahil sa experience ko sa ibat ibang klaseng boards, tinanggal ko lahat ng panget at pinagsama sama ang magagandang qualities ng bawat isa, medyo natagalan din bago ko ginamit ang sarili kong produkto, lol!

ang dami ko pa sana gusto ikwento, pero alis na ko, ngayon lang sumikat ng ganito kaganda ang araw dito, mag hahanap muna ko ng sakit ng katawan, its futbol time, to be continued.....
Back to top Go down
CRACKman.
Admin
Admin
avatar

Posts : 2730
Join date : 2009-07-20
Age : 25
Location : sa likod mo

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Wed Jul 22, 2009 9:16 pm

isang araw pagkatapos ko magbasketbol, nayaya ako ng mga tropa ko magdota, edi nagdota na kami, habang di pa kami lahat nakakaupo.. nag-open ako ng PLURK ko (www.plurk.com) para syang twitter. A friend of mine there posted a plurk like this "I am Techdecking again" tapos nag reply reply ako.

Nagulat ako bigla akong naging interesado nag browse ako ng nag browse kung san makakabili ng orig tech decks. Sa sulit.com.ph nakita ko dun ang tap-fb forum. nag register ako. biglang gulat ko din nung makita ko dun si sefcherry(leif) ka school ko sya nung high school ako tongue tapos nagbasa basa narin ako.. nung may 8, 2009 bumili ako ng techdeck tapos nung sabado din nun, sinama ako ni leif sa VY naenganyo lalo ako dahil napakasarap pala maglaro. ayun nung may 10,2009 ako naging dedikadong maglaro.. naglaro ako ng naglaro..

Sabay nakilala ko si bike tapos naenganyo ako sa wooden fingerboards.. ang galing at ang sarap gumamit ng wooden fingerboards. Salamat din kay master bike dahil sinagot nya lahat ng tanong ko about wooden fbs.

Nagbenta ako ng mga gamit ko sa ONLINE GAMES tapos nagkabudget ako para sa Fingerboards.. dami ko ding inorder.. awa ng Diyos natuto ako mag FB.

Ang sarap ng feeling pag nakaka tricks ka na. Enjoy talaga. Sa ngayon wala akong balak tumigil sa pag FB hanggang sa mamatay lol! magpapagaling pa ko lalo para makasali sa FAST FINGERS haha LOLS! lol!

THE END
Back to top Go down
fifth
Admin
Admin
avatar

Posts : 898
Join date : 2009-07-20
Age : 29
Location : cainta, rizal

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Wed Jul 22, 2009 9:35 pm

I was introduced to fingerboarding by my brother who works at a skate shop in sta.lucia.. it was a december of 2002, and the fingerboarding scene was massive that time.. i thought that the real tricks in skateboard cannot be applied in the miniature skateboard, but when i saw some people doing some ollies and kickflips, i was shocked and inspired to do the same tricks also.. toy shops and skate shop's that sell's techdeck fingerboard have a table with ramps where fingerboarders can play and meet.. from that year onwards, fingerboarding was my everyday thing..

_________________
Back to top Go down
http://www.facebook.com/f1fth
makariuss
Intermediate Skater
Intermediate Skater
avatar

Posts : 494
Join date : 2009-07-21
Age : 28
Location : Makati

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Thu Jul 23, 2009 1:13 am

ako keychain una ko nbili eh , way back 2003 ahahah bata pa ako nun pero ung ollie dumidikit sa kamay eh ahahha wala pang grip ung grapix asa top ahahahha

tas una kong nkita sa pinsan ko eh tech deck pota naadik ako inollie ko agad eh ahahahha na hot sk8 kaya bmli ako aun swabe pa ahahha blind ahahha tpos compi d pa ckat un tech deck dme sumali na bano eh ahahah hinahawakan ung board eh aun pero on going ang finger ko ahahha

kht ndi technical chambahan lng ahahha

sana mging consistent ako ahahha parang sa team ahahha
hotsk8 na !
Back to top Go down
fifth
Admin
Admin
avatar

Posts : 898
Join date : 2009-07-20
Age : 29
Location : cainta, rizal

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Thu Jul 23, 2009 2:47 am

anong keychain yan makar!? yung ganito ba?

nakagamit din ako nung ganyan.. sa ganyan din ako natuto nung kickflip.. tapos nung nakabili na ako ng tech deck, ayun! bigla na lang nawala. sayang sana nailagay ko pa sa collection ko ito.. Neutral
Back to top Go down
http://www.facebook.com/f1fth
makariuss
Intermediate Skater
Intermediate Skater
avatar

Posts : 494
Join date : 2009-07-21
Age : 28
Location : Makati

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Thu Jul 23, 2009 11:40 pm

uu ung pti trux eh fiber glass din ata ahahhah dmidikit sa kamay yan eh =))
Back to top Go down
CRACKman.
Admin
Admin
avatar

Posts : 2730
Join date : 2009-07-20
Age : 25
Location : sa likod mo

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Sat Jul 25, 2009 6:47 pm

haha ako dati pinagtritripan ko pa ung bakal talaga na fingerboard.. ung keychain haha
Back to top Go down
darkblood21
Newbie
Newbie
avatar

Posts : 14
Join date : 2009-07-20
Age : 22
Location : Pag-Asa, Quezon City

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Mon Jul 27, 2009 12:03 pm

----MAHABA ITO---

KABANATA 1 - Ang Simula

Dati ko pa nakikita ung techdeck eh...Sa dalawang classm8 ko nung 2nd year...
Nababaduyan pa nga ako kc akala ko pang bata lng...Isip bata pa nga tawag ko sakanila...haha...pero yung isa kong kaklase na lagi kong kasama e pumunta dun sa 2 kong clasm8 na nag ttechdeck sa sulok...sinundan ko siya...nung una pinag mamasdan ko lng...hanggang sa tinesting ko...sav ko pa nga..."Pano nyo pinatatalon?"...tpos un tinuro nila sken...

Nung araw na yun...malapit na mag uwian...sav ko "Uy san ba nakakabili niyan?"...SM daw or Trinoma...tpos un!...naghanap agad ako sa Sm and Trinoma kasama ung clasm8 ko...Eh sa ksamaang palad...wla akong nabili kc OUT OF STOCK sa Sm, Trinoma, Toy kingdom...As in WALA talaga...

Eh naalala ko nun na meron sa bahay na fb...ung fake pa...
EH bukas aalis kmi ppnta kmi cainta nla daddy...dinala ko muna ung fake na fb...tawag pa nga nmen dun...dahil fake "MAGIC FINGERBOARD"...hahaha...tpos nag practice ako ng ollie dun sa pinuntahan nmen na bahay sa cainta...Aun...mejo natuto nman ako ng konti...EH kaso pag landing ko ng ollie...napalakas bigla...BASAG! natangal ung trucks na nakadikit lng...hndi naka turnilyo...haha...

Tpos nung february...dun lng ako nakabili ng orig na techdeck...tpos every day...youtube lng ng youtube...how to kickflip...?...how to ollie...?
yun!...natuto nman....Mali mali p nga turo sken nung clasm8 ko...Ung heelflip daw...pa kickflip ung ikot...tpos ang kcifklip daw...pa heel...haha...baxta maraming kamaalian ung naturo sken...pero ok lng...qng d dahil sa kanila...e wla cguro aq d2 ngeon...heheh...

Mahaba pa to kaso pinutol ko lng...haha...

SENXA NA KUNG MAHABA...PERO ITO TLAGA ANG SIMULA...!


lol! lol! lol!
Back to top Go down
http://www.friendster.com/thedevilwearsprada21
martin droid
Frequent Skater
Frequent Skater
avatar

Posts : 183
Join date : 2009-07-21
Age : 21
Location : diyan :]

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Mon Jul 27, 2009 7:25 pm

f1fth wrote:
anong keychain yan makar!? yung ganito ba?

nakagamit din ako nung ganyan.. sa ganyan din ako natuto nung kickflip.. tapos nung nakabili na ako ng tech deck, ayun! bigla na lang nawala. sayang sana nailagay ko pa sa collection ko ito.. Neutral


waw.. astiig to ah..
Back to top Go down
zero.666
Senior Newbie
Senior Newbie
avatar

Posts : 73
Join date : 2009-09-27
Age : 20
Location : Brgy. Calzada Tipas Taguig City

PostSubject: REPLY   Fri Oct 02, 2009 11:22 am

Tanda ko pa nung 5 yrs. old ako nasa toy kingdom sm kami nakakita kami ng kuya ko ang natatandaan ko 3pack na World Industries un binili namin eh may deck rack sya transparent green sya tapos kung anu ano na lng ginawa ko kasi di pa ako marunong magtricks nun tapos sunod kong binili Single na Birdhouse. Nung 8 ako natripan ko ulit bumili ng TechDeck binili ko Flip may kulay blue syang box eh baliktaran ang pwede mong lagyan yung isa 3 spaces for 3 decks yun pag binaliktad mo may isang space dun na deck ang ilalagay ulit tpos may mga maliliit na spaces sya pra sa bushings, nuts, tools etc. ayun lahat na un wola na. tapos nakita ko may 1 nagfifingerboard na kaklase ko nung grd. 6 ako naisip ko balik na lang kaya ako sa Fingerboarding ayon bumalik ako sa fingerboarding natuto na magtricks. ngayon 1st year ako kaming 2 nung sinasabi kong kaklase ko nung grd 6 ako pinauso namin ang fb sa classroom may 4 din kaming kaklase na nagfifingerboard rin dati hanggang lumaki ng lumaki ang fb sa utak nmin sabi nman ng mga kaklase ko ako daw magaling sa amin lol! lol! lol! sabi ko hindi nman hahaha sabi nila sakin ikaw nga lang ang may sponsor dito samin eh. sabi ko sakanila kaya nyo yan.

Fast learner yata ako ahahahahahaha lol! lol!

THE END
Back to top Go down
wee_philip
Junior Newbie
Junior Newbie
avatar

Posts : 49
Join date : 2009-07-18
Age : 22
Location : Quezon City

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Fri Oct 02, 2009 5:55 pm

pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko, tapos kasama nya mga katropa nya nagffb sila, sabi ko "anu yan?" tapos everytime, nagpapaturo ako sa kanila hanggang sa tumigil na sila pero hindi ako tumigil, naglaro pa in ako ng naglaro hanggang nagagandahan ako sa mga boards nila mike schneider..... etc....

gusto ko magpadeliver kaso walang budget and then nagdemo si makar sa rustan's makati, dun nya pinakilala si kuya bike na sya daw ung gumagawa ng wooden fb's dito sa philippines.......

so nung una kaming nagkita, bumili agad ako ng board hanggang sa ayun sobrang nag improve na ako dahil sa boads ni kuya bike....

kaya sobrang swerte ko na nakilala ko ang dfb!!!

DFB rocks!!!!!!!!!!
Back to top Go down
venzov
Mega Skater
Mega Skater
avatar

Posts : 631
Join date : 2009-08-23
Age : 23
Location : san juan

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Fri Oct 02, 2009 8:55 pm

I've always been interested in skateboarding. The flips, grinds and grabs i landed on tony hawk's video games had me drooling. ha! ha! I've always dreamed of doing those in real life, but sadly, I can't. i don't have the safety equipment to skateboard and practice; all I can do is ride forward : ) )

Anyway. One day, earlier this 2009, I saw a banner in a mall that had a sign, "Tech Deck Camp" or something.. This caught my attention. All along I have thought that tech decks were used for like little figures to pretend to ride on.. like.. toy lang talaga....... But I was wrong. Fingers din pala! So WHOA! : ) )

The moment I arrived home, I went looking through old toys and junk and came upon my little bro's set of year-old Expedition tech decks, which was dirty and broken down, and fooled around with em. walang talon kahit kaunti. ugh. I was like.. "HOW BA?!??!"

Soon after, I went on youtube.. baka kasi may mga tech deck videos, sabi ko.. and yes! there was! GARY CHIN! : ) ) Ayun.. I learned my first ollie after nonstop playing from gary chin.. and the rest was history.. haha

When I got better, I started buying wooden fingerboards, since I saw mike schneider use them. haha. and up to now.. am still at it Smile wahoo.

fingerboards rock.
cheers
Back to top Go down
Growcher
Frequent Skater
Frequent Skater
avatar

Posts : 147
Join date : 2009-10-05
Age : 20
Location : Los Banos

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Fri Dec 11, 2009 4:01 pm

Nasa resort kami noon kasama namin si tito bike (kakilala ng Mommy ko si tito bike dahil sa football) tapos nakita ko si tito bike may dalang laruan na skateboard tapos nag ollie ollie siya tapos tinry ko mag ollie pero ayaw talaga tumalon hehe. Sabi ko kay tito bike pahingi ako ng tech deck tapos pinahiram ako ng tech deck na Black Label. Doon na ako natuto sa tech deck na un mag ollie hanggang sa binigyan na ako ni tito bike ng sarili kong TD na Blind. After 1 month++, binigyan ako ni tito bike ng dFB board nung Birthday ko pero board lang. Yung mommy ko na ang bumili kay tito bike ng trucks, wheels, bushings, etc. tapos pinaassemble namin kay tito bike ung parts. After 1 month, binigay saking ni tito bike ung dFB ko na complete w/ bushings, kingpin, tape, etc. Tapos ang design sa ilalim nung board ay DX na may mukha ni triple H at shawn michaels. Matapos ang ilang Months, nung marunong na ako mag impossible, kickflip at grind, sinama ako ni tito bike sa event nung December 6, 09...


Kahit kailan, FINGERBOARD RULEZ cheers
Back to top Go down
kahlilszafranski
Mega Skater
Mega Skater
avatar

Posts : 830
Join date : 2009-11-21
Age : 31
Location : Sa puso mo

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Fri Dec 11, 2009 11:48 pm

eto ang storya ko

mag uumpisa pa lang ako talagang mgsk8bord nuon,wala akong pambili.
nakikigamit lang ako sa kua ko kpg pgod na sya mglro.
sa klase namin 3 kming may skateboard at sabi ng isang kasama ko na pumanaw na(RIP Mark)"tol bumili ako ng sk8bord sa rob,ng dumaan ako sa oplympic villaga may nakita akong maliit na sk8board ang dami"nung uwian n nmin tinignan ko ung sinasabi nya at ang galing mga real brands ng sk8board ang nndun.
nxt day bumili ako inutang ko pa nga sa lola ko ung pambili at nkbili ako ng element.nung buksan ko na at ginamit hindi ko mapatalon.shove it lng ang ngagawa ko.tpos itinabi ko na lng.nung college na ko madami na akong kasamang mga sk8r ng mgling din mgfb ang ng2ro sakin kung paano mgollie. nung natutunan
ko na mgollie sinubukan ko na ang lahat ng grinds at pinilit na maconcist.tpos nun
ay nagpaturo ako ng kickflip.ng mgawa ko na ang nsabibg trick tuloy tuloy na ang lahat hangagng eto na ako ngaun

wala na akong trabaho!!!!! lol! lol! lol!

kung bakit

wala lang
Back to top Go down
Swissidle
Senior Newbie
Senior Newbie
avatar

Posts : 55
Join date : 2009-12-05

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Sat Dec 12, 2009 3:29 am

Astig mga storya nyo.

2nd year highschool ako noon nung nakita ko yung mga higher year level sa school namin na nagfifingerboard. Ang nagpauso 'non sa school namin is yung KANO na studyante. Nakakatuwa kase pinapahiram nya yung mga techdeck nya sa mga kaklase nya at parati sila naglalaro sa canteen namin.

Nainggit ako!! Hahaha! Sa sobrang gusto kong magkaroon ng fingerboard gumawa ako ng sarili ko gawa sa folder/illustration board at yung trucks eh gawa sa paper pin, tapos yung gulong nirolyong electric tape. 'D lang yon! may graphics pa yung home made techdeck ko, mga ginupit na logo ng dc/vans na galing sa kahon ng sapatos na pagmamay-ari ng kapatid kong rakers.

Enjoy ako laruin kase dinadaya ko yung tail eh kase pwede mo sya basta ibend, super high kicks! andali i-ollie hahaha!

Gumraduate ako ng highschool at wala pa ding akong tunay na techdeck. Naghahanap ako kung saan-saan. Wala ako mahanap hanggang mag1st year college ako sa Mapua. Yung blockmate ko meron syang techdeck. Naglaway ako!!! Tinuro nya sakin kung saan nakakabili at tinuruan nya din ako almost lahat ng mga basic tricks lalu na yung ollie. Sa Toby's SM Manila kami nakabili hehehe ang mahal pa ng TD, kung d ako nagkakamali less than 500Php ata bili ko. First board ko eh yung Birdhouse na Chad Muska ata. Mahal na mahal ko yung techdeck ko tipong bawat klase inoollie ko sya sa tuhod ko. Dumating din sa point na nagsawa na ako, yun yung mga times na seryoso na sa college life.

Mula nung 1st year college ako, yun na yung una't huling techdeck ko hanggang ngaung taong 2009.

Late this year, Bago dumating yung bagyong Ondoy napansin ko sa TK/Toys 'r us na may tinda ulet na techdeck. Natuwa ako kase parang bumabalik ulet yung FB Scene sa pinas at ang maganda pa 'don mura na ang Techdeck. 200 each na lang hehe! Bumili ako ng bagong deck na Almost. 2nd official techdeck ko.! Balik laro ulet ako kasi kaka-graduate ko lang nung november kaya medyo maluwang ang oras sa paglalaro. Naengganyo talaga ako lalo nung nakita ko yung TAP Community. Namulat ako sa mundo ng wooden/wides. Ayun nagpabili ako sa utol ko sa US at awa ng diyos binili naman nya ako Heheheh! Pag nakahawak ka na ng wooden, WALA NA! MAHOHOOK KA NA TALAGA FINGERBOARDING.

Tipong mangyayare na ito sa buhay mo:

1.) Kausap mo girlfriend mo sa phone, fingerboard ka pa din, "OO" na lang kaya mong ireply sa knya kasi hindi mo makuha yung trick na gusto mo.
2.) Mag Do It yourself ng mga ramp
3.) Masita ng ermats/erpats mo kase taka-tak ng taka-tak yung fingerboard mo sa dining table nyo o kaya sa desktop table nyo.
4.) Mapag sabihan ng mga nakakatandang kapatid na "nu ba yan 'tol! pang-bata lang yan" reply ko "bata mo ure face! Iba na ang generation ngaun kuya, palibhasa syato at tumbang preso lang alam mo" hahaha!

At syempre I-idolize yung mga magagaling sa youtube at syempre pati ang mga magagaling nating fingerboarders dito, lalu na sa confisk8s. Mga video pa lang nila halata mo ng may mga ibabat-bat talaga ang mga pinoy sa mga kano.


Article ba 'toh? hahaha! Pasesya kung mahaba.

Basta, sana wag magsawa DFB/Team Manila sa pag-gawa at pagpapalaganap ng FB Scene dito sa pinas.

Advance Merry X-mas sa lahat =)
Back to top Go down
ynahenne2ynacai
Newbie
Newbie
avatar

Posts : 5
Join date : 2009-12-09

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Sun Dec 13, 2009 1:33 am

This October lang, sira or wala ink yung printer ng pamangkin q, si Jethro, akala ko dahil busy na sa college life(hunter?) kya inactive na sa fb...pero lagi pla me baon TD sa pocket nya. My son saw him and...

Jorrel: Kuya paano tumatalon 'yan?
Jethro: Me kulangot kasi daliri q kya dumidikit.
Jorrel: Weeeh...Yaikes! Kadiri!

The day after, bili na kami ng 1st TD nya 1031. Then, pinamana sa kanya ni Kuya Jeth yung 1 TD Collector Series, dahil tambay sa MOA si kuya, na-inform kmi na me event uli sa Megamall, punta daw kmi. Practice... practice...

Jorrel: Kuya Jeth! Tingnan mo! Me kulangot na rin yung fingers ko!
Jethro: hahahaha

Megamall Nov. 8, 2009,.... bakit familiar sila sa isa't-isa? so,.. nag tanong ako ke google. ayun naman pala! me tap-fb forum...Honestly, enjoy ako sa discussion dun, hindi lang makapag register dahil yung anak ko lang naglalaro, kaya pag may na basa ako, kwento ko na lang sa kanya, saka yung mga pics and vids., sabay kmi nuod
Super excited nga kmi sa blow-by-blow development sa place ni edge, Promise ko ke Jorrel punta kami dun, malayo kasi yung Taguig.

Plaza Ibarra Dec. 06, 2009...Thank you Lance (and others, kung me ksama ka pa) for setting up a place for a fellow fingerboarders and informing me that this site "confisk8" exist, haping hapi ang anak ko, and i'm sure lahat dn ng pumunta dun. He aquired his first dFB and thank you din bike, favorite nya yun. (ABA!.. while typing this (hi)story, katabi pa sa pagtulog yung deck nya). Sa lahat ng mababait na mga kuya, thank you at full support sa hobby na napili nya (much much better than GTA)

Plaza Ibarra Part 2 Dec. 12, 2009, ... waaah ayaw na umuwi ng anak ko Sad
Back to top Go down
EDGE
Mega Skater
Mega Skater
avatar

Posts : 808
Join date : 2009-09-18
Location : Manila and Makati City

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Sun Dec 13, 2009 3:02 am

Nakakatuwa naman po at nag enjoy po kayo dito hehehe...
Ako naman kkwento...

On a rare occasion na dumalaw ako sa condo namin nung 2006 napag tripan ko yung laruan nang kuya ko na fingerboard di siya TD eh (super laki ung baseplate pero ganda din pag kaka gawa) Nag try ako sa office mag laro pero di ako naadict. July 2009 sinundo ko inaanak ko sa school tapos dahil mataas grade nya nilibre ko nang laruan sa banketa nakita ko yung FB na divisoria pero metal trucks naaliw ako binili ko worth 40p... Iniinggit ko inaanak ko di ko binubuksan un for weeks gusto ko lang tingnan naka pack.

2nd week nang august pag uwi ko nanonood sila dito nang tv baka kasi suspendihin klase dahil maulan dedma lang ako sa tv tapos nagulat ako nakita ko sila lief hahaha at si sir jojo na ininterview regarding TD nakita ko yung TD sabi ko ganda pala nun pwede patalunin (nakita ko na siya sa SM last year di ko lang pinapansin). Youtube mode ako para maconvince bumili... Sabi ko sa sarili ko try ko nga minsan yung TD baka kasi maaddict ako bagong bisyo na naman ayun pag ka day off ko punta ko SM nag simula sa pack of 3 tapos pag uwi ko natuwa ako ang sarap gamitin... Dala dala ko palagi sa office after 4 days nasira na ulo ko namili na ako ramps. In one month naka bili ako isang quarter pipe, brooklyn banks saka sang ka tutak na basic pack (Naipamasko ko na yung iba hahaha). After 2 weeks nadagdagan pa to nang sang katutak na basic pack ulit sk8shop saka halfpipe...

Pero nung august nag hanap na ako nang forum nakita ko yung TAP-FB nacurious ako sa wood... September ko unang natry mag wood after nun kung nasira ulo ko sa tech deck trumiple pag ka addict ko sa wooden fb... Namile ko mga railwood tapos nakita ko tong confisk8s bili din ako dfb hahaha... Minsan naka usap ko si bike pumayag siya iinstallment ko ung substance hahaha pero may budget ako kaya inistraight payment ko nung natanggap ko yung package mas nahook ako sa hobby na to... Nangyari na lahat nang nangyari every payday or almost every week lagi ako may bagong deck or ramp pero may nasilip akong problem nung competition regarding sa handling nang players nang railwood... Naisip ko gawa kaya ako nang team na free ang players and kumportable sa lahat nang aspeto nang pag ffb... Nag sesh kami ni Gnoj nung isang weekend nag kwento siya nang grievance nya the i was able to convince him na gawa nalang kami sariling team based sa manila layo kasi hi street dito. Nag paalam ako nang maayos kay L4D sabi ko gawa sana kami manila based na team or parang sub group nang railwood. Sagot ba naman sakin much better with a new name sama mo si Gnoj na din! Ayos! Kasi alam ko na wala na kami sa railwood pag ganun...

Tinap ko si Jasper schoolmate ko sa Angelicum so 3 members na kami minsan naka usap ko sa lawiboi naramdaman ko kagad may chemistry ayun inofferan namin kagad then last si lief nag pakita nang intention sumali ayun were blessed and happy na nasa team siya. Sabi ko kay Gnoj dapat we have something na wala sa iba naisip ko kagad a better skatepark naka squat kasi sila sa high street, then nag offer si Jasper na sponsoran ang granite so ayun naisip ko sige may budget naman saka sang katutak na ramps ko so sabi ko papagawa ako table para may matinong skatespot na tayo. Biyaya nang Diyos nag ka totoo ang plano ko at nang team natapos tong table mala yellowood as per bike's suggestion hahaha... So ayun kita naman sa 2 sesh dito na nag eenjoy naman mga dumadayo makita ko lang yun masayang masaya na ako kahit di ako nag llaro masyado nang FB... Gusto ko in our own little way makatulong kami sa fingerboarding scene... Yan lang ang simpleng kwento nang buhay fb ko...

PLANS FOR NEXT YEAR...

-Fingerboard Tournament "Battle of Ibarra" GOS ang labanan matira matibay, may substance hahaha joke di pa natin alam prize eh hahaha...

-Team Manila will become an organization/guild na ang goal is to organize fb event. (Events organizing for short)

-Additional granite tables kulang na 2 table pala... Plano namin baka 2 pa ulit na granite table (pink na color naman hahaha) depende sa demand hehe...

So far yan palang naiisip namin pero sana mag work lahat for the benefit of all.
Saka makita sa international scene na active tayo dito... What do i get from all of this actually experience lang di kasi mapapantayan nang pera ang kasiyahan eh, kaya di ko aasamin pag ka kitaan ang park ko biniyayaan na ako ni God sapat naman na hehe...


Yun lang po... Enjoy lang natin tong fb experience...
Back to top Go down
http://descaler.multiply.com
KamoteKid
Admin
Admin
avatar

Posts : 1416
Join date : 2009-12-11
Age : 34
Location : Sa puso ni Kim Chiu

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Sun Dec 13, 2009 12:55 pm

Nice stories nakaka inspire.

share ko naman yung sa akin,
way back 2003 nung ganap pa akong skater hindi ko pa pinapansin ang FB

nakita ko ito nung una sa kapatid mas bata sa akin, lagi nya ako inaangasan nang kung anu anu na tricks at gusto nya gawin ko in reality

cyempre imposible yun noh

so parang hindi ako naging intresado

pag patak nang 2009 lumikha uli nang ingay ang FB tapos nakita ko yung utol ko (pulis na cya nagyon) hinanap nya yung mga luma nyang FB kaya lang puro amag na, nag try padin cya, pero that time wala na cya kwenta kasi puro baril na hawak nya.

hanggang minsan napadaan ako sa SM Clark at nakakita nang FB, una kong deck a SHUT tapos pinanuod ko you tube mga tricks parang na hook ako bigla

till 1 day nabalitaan ko na may malaking competition sa MOA at may nakapagsabi na mag kaka aparition ang mga FB Gods.

so pumunta ako dun mag isa at ako ay na starstruck sa gagaling nang mga competitors.

pag uwi ko bumili uli ako nang 2 pang TD at duon na nag simula maadik ako.

nung nagkaroon nang megamall Leg nandun din ako that time kasama ko yung GF ko kasi gusto din nya makita yung mga naglalaro, pauwi bumili uli ako nang dalawa.

nagdala ako sa opisina nang isnag deck mejo marunong na ako mag ollie nun, nakita ako nang boss ko na indian sabi nya "how the hell you do that?" sabi ko its practice, tapos tanong uli cya "how you make it jump?or stick to your fingers? sabi ko its practis

tapos na amaze mga officemates ko nagsibili sila at nangulit magpaturo

nagkaissue pa nga kasi 3 fingers ang gamit ko kasi may problema yung middle finger ko

dun ko nahanap yung TAP-FB at duon ako nabigyan nang tips at lakas nang loob ipagpatuloy kasi wala naman pala rule na 2 fingers lang as long as you can fingersk8

tapos shiit happens nawala TAP-FB

sa loob nang 2 months naka ipon na ako nang 15 na deck including a wooden collector series

tapos naging intresado ako sa wooden na deck dun ko nakilala si edge kasi nagmagandang loob cya tulungan ako mag set-up

although di pa kami nagkita nang personal.

kaya lang nung makuha ko yung 13th month ko dapat mag papa order nako


naawa naman ako sa mga fingerboarders dito sa opisina kasi puro karton yung ramps namin

nagpagawa ako nang mga ramps mga kinopya na design sa TAP-FB, nakapag produce ako nang mga 10 ibat ibang ramps at isang lamesa

open yun sa lahat nang gustong maglaro dito sa pampanga, madame na kame dito kaya lang umaasa lang kame sa you tube

kung may makabasa man nang nobela ko na ito na tage pampanga, nandito lang kame sa Clarkfield at Angeles City sana may mag demo sa amin at tumulong mag turo

para naman hindi nakakahiya pag dumalaw kami sa Plaza ibarra
hehehe.

sa lahat nang nasa forum na ito
maraming salamat mabuhay kayo
palakasin natin ang FB community
magtulungan tayo. isa nalang ang dugong nananalaytay sa atin "dugong FB!"
Back to top Go down
Chino
Mega Skater
Mega Skater
avatar

Posts : 525
Join date : 2010-07-23
Age : 27

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Sun Oct 10, 2010 9:31 pm

story telling.

nung 3rd Hs ako nagsimula to, adik na adik ako sa skateboard. nag pa bili ako ng tech deck kay mama nung pumunta siya ng maynila dahil wala pa dito nun. bucky lasek pa yung graphics xconcepts ang wheels nun. yung kickflip ko nun back finger pa. hahaha. tapos tinuruan ako ni jerico (ROTFL) pano yung tamang kickflip. pero hanggang dun lang ako, nasira yung isang axle tapos wala na! wala ng tech deck.

after 3 years, nung 2nd year college ako, kumatok lang one time si Jerico sa pintuan ng apartment namin nun na may tech deck na daw sa bacolod. kahit gabi na at pasira na ang mall, pinunta namin at bumili kami. this time popwar na may "good things come to those who skate"na graphic.

laro2x lang palagi, tapos napansin ko na iba yung mga deck ng nakikita ko sa vids. yung kay gary chin na may gitara na graphic, flatface ata yun. malaki siya at medyo mahaba. nag wonder kami ni jerico kung ano yun, kahoy pala. hahaha. natuto akong magswitch at pinagmalaki ko sa lahat na may switch sa fingerboard! hahahaha

natuto na lang ako ng natuto. yun.
Back to top Go down
http://facebook.com/starvingandartless
roca
Mega Skater
Mega Skater
avatar

Posts : 2046
Join date : 2010-02-05
Age : 29
Location : cubao

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Sun Oct 10, 2010 10:10 pm

ako naman.. Very Happy

very short story. 7yo, niregaluhan ako ng old skul na skateboard ng tatay ko Very Happy
syempre masaya ko, mga 12 or 13 binigyan niya ko ng keychain (fingerboard)
plastic lahat, naputol ko na ang trucks, pero pilit ko pa ding dinidikit.
dun ku natutunan mag-ollie, tinuruan ko ang sarili ko hanggang may shoves na ko at KF.
Hayskul ako nung makakita ng tech deck at danny way na fingerboard. wala kami pera nun,
kaya di ako nakabili. bumili ako ng pekeng FB (25 pesos sa palengke), masaya na ko nun.
3rd year HS ako nung binigyan ako ng kaklase ko ng orig TD xconcepts.
kaso kulang ng isang trucks. di siya nag-FFB , e nakita niya ko naglalaro, kaya binigay niya saken, para daw mapakinabangan ko. nawala ung FB na un, niregaluhan ako nung 4th yr HS ng ex ko ng TD thps ed. sobrang tuwa ko ulet. haha. hanggang ngayon nasaken pa din ung FB na un, nakadisplay, kahit may wooden deck na ko.

nagpapasalamat ako sa forum na to, dahil dito, natupad ko ang pangarap kong magkaroon ng magandang SETUP.. cheers
Back to top Go down
Slipknot
Intermediate Skater
Intermediate Skater
avatar

Posts : 371
Join date : 2010-08-18
Age : 24
Location : Quezon City/Fort Bonifacio, Taguig

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Sun Oct 10, 2010 10:14 pm

hahai .pano ko ba sisismulan . hehe

that was way back 2004 . may tech deck yung friend ko . kalimutan ko na name niya . haha . tech deck gamit niya nun, pero di ko pa alam ano yang tech deck . tingin ko sa fingerboard nun, collection lang . wala lang, mini skateboard lang kumbaga . we started playing with his deck, no tricks, just feeling the ride . lol . natawa nga ako ee kasi pag pinapaollie niya yung deck, hiyawan pa kami . "woooooo". wala talaga kaming alam nun .

1st trick na natutunan ko is shove it . di ko pa alam na may name pala yung trick na yun and kasama siya sa trick list . haha .

yung unang deck ko is made from a folder, dinikit dikit gamit ang glue . yung base plate is maliliit na squares na pinagdikitdikit ko . tapos yung wheels and trucks is yung matchbox wheels, actually wala siyang trucks, axel lang . haha . tapos dun ko na natutunan yung shove it . shove it lang ng shove it . tapos yun .

di nagtagal, pinagsawaan ko rin yun . hehe .

tapos hanggang sa nagkaron na ako ng Tech Deck . bigay ng pinsan ko na bata . haha . that was last year, 2009 . summer yun . shove it parin and ollie lang nagagawa ko .


tapos ngayong nakaraang june lang, naadik na ako sa fingerboard, kasi dami na ako napapanood na vids . ang astig kasi . hehe


i discovered confisk8s.forumotion sa google . kasi naghahanap ako ng mga taga pilipinas na fbers . tapos yun, start na talaga ng fingerboard hobby ko . hehehe . gulo noh ? pero ayos naman . hehe
Back to top Go down
Jhogs
Moderator
avatar

Posts : 1760
Join date : 2010-06-04
Age : 30
Location : Somewhere in Hell

PostSubject: Re: THE BEGINNING   Mon Oct 11, 2010 12:53 pm

meron palang ganito. ge kwento din ako hehehehe


way back 2003 ako na introduced mag fingerboard. during that time skater pa ko nun, mas focused ako sa pag iiskate, then one time nagdala yung tropa ko ng tech deck. plain birdhouse na letter B yung design, nakita ko sya doing tricks na kung ano ano. then hiniram ko sa kanya nag try ako mag ollie, yung amateur style chinachop yung tail hahaha. within that day inofferan ko yung friend ko na mag trade kame, yung spikes bracelet ko sa tech deck nya. ayun dun ko nakuha unang tech deck ko hehehe.

since influenced ako sa mga pro skaters, tinatry ko i replicate yung mga tricks nila. mostly rodney mullen tricks yung mga freestyle nya. caspers, truckstands, pogos... kaya laging nawawalan ng kapit ang griptape ng tech deck ko kakatira ng darkslide ahahaha.

then several months after, nagpalit ako ng bagong tech deck (around feb 2004) dahil sa dahilan na wala akong extra parts. naubusan ako ng nut nawala yung nut ko sa kingpin hehehe. then I got my second fingerboard nabili ko sa SM megamall. Hook-ups yung graphics nya 5 girl pics na image.

then nainform ako ng tropa ko nun na me compi sa SM Southmall, EDGE tour 2004 skate bike at tech deck competition. nag try ako at sa awa ng diyos nakachamba ng champion, siguro gawa nung casper to casper na ginawa ko, lahat kasi ng kalaban ko nun more focused on rails at ramps. yung saken me halong freestyle hehehe. after that event, wala na kong nasalihan na tech deck competition. naging busy na din ako sa pag iiskate at pag aaral nun

several years passed, patigil tigil din ako mag fingerboard. due to some factors like lost thread na nut tapos walang spare, nabali yung kingpin ng trucks kaka drop sa matataas, and sometimes nawawala ko yung tech deck ko nahuhulog sa bulsa ko siguro pag nasa jeep(f*ck!)

then after na magkawork ako around 2008, syempre me sarili nang pera naisipan kong sumilip ng tech deck fingerboards. and BOOM! back to fingerboarding na ulet, doing new tricks pero di consistent and same old freestyle moves hehe.

then after ko bumalik mula davao nung June 2010, balak ko na sanang bumili ng wooden series na tech deck. then me nag add saken na friend ng ka work ko which is BigEmpty. sya nag introduce saken ng Dirty Fingerboards (DFB), at first naisip ko kung tech deck din style din sya. kase wala pa kong idea nun, then i've added sir Bike sa facebook and inquire regarding sa DFB, ayun bumili ako ng isa. the first DFB setup ko received last June 16 2010 at gamit ko hanggang ngayon.

then after receiving my first DFB, dami nagbago sa laro ko. natuto ako mag switch, luminis yung mga tricks kahit papano, mas naging consistent ang mga flip tricks etc. up to now still training for improvements ako. and enjoying every part of it

maraming salamat sa forum na to,
at para sa mga members, lets keep supporting the scene
for the love of fingerboarding!!!

_________________
Limitations exist only in our minds,
Imaginations are the things that break those limits
Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: THE BEGINNING   

Back to top Go down
 
THE BEGINNING
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Silverwing for beginning rider?
» Wrestlers With Names Beginning With Q
» I am beginning to like C.Kim......more
» Top 5 Vegetables Starting With the Letter "C"
» Snake's Fakes

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Confisk8s :: NORMAL TOPICS-
Jump to: