Rhinitis.
wala kasing intervention tungkol jan mga tol . pero pwede mo syang maiwasan .
ang kalaban mo sa Rhinitis eh eh yung mga mababaho yung tipong tumatambay sa ilong yung baho like yung pera na lumang luma na panahon pa ni ramos ,mga sofa at kama na hindi na papagpag at nalilinis ng maigi kase yung mga FOAM nyan ehh kinakapitan ng alikabok na talaga namang nakakairitate sa ilong sobra .
General Cleaning ng kwarto lang tol or paligid . at make sure na ka mask ka para pag naglilinis ka para di mairitate ng allergen yang ilong mura lang naman sa mga medical supplies yun 2php.
sa experience ko rin yung sobrang malamig na panahon ehh nakakatrigger din yun ng rhinitis pero di ko pa naresearch yun , maliban na lang kung naka aircon ka at electricfan ay malamang sa malamang kinapitan na ng sandamakmak na alikabok lang yan ay dapat mo lang linisin .
Yung matatapang na scent na pabango at sabon isa pa yun sa nakakatrigger kya hanggat maaari ay dapat iwasan.
Paano kung may Rhinitis na ?
ang pinaka mainam na solution eh isinga mo yung fluid na nasa ilong mo
TANDAAN sa pag singa
-kelangan na ka bukas ang bibig
-yung isang butas ng ilong nakatakip at yung isa hindi kase kung yung dalawang butas eh nakatakip sa mata o bunganga lalabas yang sipon mo (joke lang yun)
Pwede ba uminom ng gamot pag may rhinitis?
Pwede pong uminom ng gamot ,pero mag pa consulta kayu sa doctor nyo kung ano ba ang gamot na nararapat sa inyo kase pag inom kayu ng inom ng gamot at hindi nyo alam kung para saan to .pwede kayung magkaroon ng komplikasyon sa bato at sa atay.
ang kadalasang iniinom at pwedeng inumin pag may rhinitis eh yung mga gamot na AH or Anti Histamine tulad ng
-Benadryl AH
-Allerta
-Claritin(Loratadine)
-Citirizine
nagpapamahal lang naman sa gamot eh yung BRAND or BRANDED Drugs na tinatawag . sabihin nyo lang yan sa botika at kung talagang tag tipid ka sa The Generics pharmacy ay siguradong murang mura .Yung listahan ng gamot na yan ay from lowest to highest meaning yung Benadryl yung tama lang yung Citirizine yung pinaka mabagsik. kaya nga sabi ko kani mag pakonsulta muna sa doctor at kung ano ang pwedeng inumin ,AYT.
Tandaan , karamihan sa gamot na AH eh nakakaantok , kaya ayun ,,mas magandang inumin yan sa gabi.pero kung gusto mong antukin eeh inumin mo yan, hehehehehehe
mag pakonsulta sa doctor ok .